Ano ang Pre-Diabetes?

Ang prediabetes ay ang pagkakaroon ng mas mataas na blood sugar kesa normal ngunit hindi pa sobrang taas para matawag a type 2 diabetes. Kung hindi ito masosolusyunan, maaaring mauwi sa type 2 diabetes ang pagkakaroon ng prediabetes. Kahit na prediabetic pa lamang ang isang tao, maaari nang magsimula ang mga masasamang epekto nito sa puso at iba pang bahagi ng katawan.

Suffering from diabetes? See testimonies, http://bit.ly/diabetes-patients-testimonies

Ang magandang balita ay maaaring mapigilan ang pagkakaroon ng type 2 diabetes. Kailangan lamang magkaroon ng healthy lifestyle, kumain ng masusustansyang pagkain, magehersisyo ng regular at panatilihin na tama ang iyong timbang.

Kadalasang walang sintomas ang mga taong may prediabetes. Ilan sa mga palatandaan na mataas ang risk ng isang prediabetic na magkaroon ng type 2 diabetes ay kapag mayroon nangingitim na balat sa batok, kili-kili, siko, tubod at kamao. Mataas ang posibilidad na may type 2 diabetes ka na kapag nakakaranas ng lais na pagka-uhaw, laging umiih, laging pagod at lumalabo ang paningin.

Mahalaga na matingnan ng doktor ang iyong blood sugar upang malaman kung meron ka na bang type 2 diabetes.

Source: http://doktordoktorlads.blogspot.com/2016/10/ano-ang-pre-diabetes.html


Sponsors

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *